some days in my life as a law student

i miss accounting exams…

may exam na naman kami tomorrow! this time sa crim pro (para kapag may mga criminal cases kayo, malaman ko na kung anong gagawin ko). sana naman, matuto na akong sumagot nang maayos sa exam. ewan ko ba, twisted cguro ang utak ko. para “yes/no, legal basis, application to facts” format lang, di ko pa masunod. actually, wala pa akong written exam na masasabi kong talagang matino, yung tipong maipagmamalaki ko talaga in law school. i’m not an excellent speaker but i think i speak better than i write nowadays. (so ganun ka-olats). heck, i get better recit grades than my exams. for example, yung recit ko sa torts, 1.5 ang standing. yung exam ko 2.5. ayos lang sana yon kaso madali lang yung exam na yon eh. dami ngang naka-line of one. tapos sa mga friends ko pa, sure ako, ako yung lowest. at least not the lowest in class but still…hindi nakakatuwa, di ba? 😦

kaka-depress, i grew up pa man din thinking na may future ako sa pagsusulat – what, with my adv eng & ruralite adventures. dati naman, matataas ang grades ko sa mga compositions. sabi ng teachers ko dati, ok raw ang creative writing skills ko. pero ba’t gnun ngayon? hindi naman pala. (kung sabagay, what’s so creative about legal writing?) i dunno when i’ll get the hang of this, pero sana i get it na really quick. sawa na ako sa mga mediocre & even failing exam results. gusto ko naman makakuha ng mataas-taas (sino bang hindi?). kasi, it’s not as if i don’t study (God knows i study hard naman!), it’s not as if i don’t know the answer din naman. pa’no ba ‘to? ano bang dapat kong gawin? gusto ko namang makabawi.

can’t believe i’m saying this, but i miss accounting exams. in fairness, i loved to answer prac 1 Qs. lalo na yung book ni valix, super natuwa talaga ako dun. kasi enjoy naman mag-c-compute, di ba? (i’m sure my sister won’t agree with me here). naku, i must be going out of my mind…can’t believe i’m now saying that i miss accounting exams! (with the exception of BA 118…yep, even BA 114, nagustuhan ko yon!)

but i can’t always look back & stay in the past (kahit masarap mag-wallow in my days of glory – adv eng, and yes, slight, even BA 99.1 days – kahit pa’no, and math 100 days – nung nakaka-100 pa ako sa long exams). dapat prospective, forward looking. Lord, help…puhlease…(mga friends, pagdasal nyo naman ako o…)

Advertisements

1 thought on “i miss accounting exams…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s