Kabataan nag-ingay na sa UP sanhi ng ZTE-NBN deal

from: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=110038

Nag-iingay na nitong Biyernes ang mga kabataan at mga concerned citizens sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City kaugnay ng ZTE-broadband deal controversy.

Bandang alas-5 ng hapon nitong Biyernes nang dumating sa UP College of Law si Rodolfo “Jun” Lozada at nagkaroon ng maikling “queston and answer portion” ang mga estudyante sa Senate star witness. May mga katanungang hindi sinagot itong si Lozada dahil aniya, medyo may halong pulikita daw ang mga katanungan at ayaw niyang mahaluan ng pulitika ang kanyang testimonya sa ZTE-broadband deal issue.

Pero may panawagan naman siya sa mga kabataan ng UP.

“Napakarami pong pamamaraan na kung bawat isa sa atin ay pwedeng kumilos. Ang hinihingi ko lang pong pagbabago ay mag-umpisa na pong magbago ang ating pag-iisip tungkol sa bagay na ito at hindi na tayo magsasawalang-kibo na lamang.”

“Partikular po sa mga kabataan, na dati’y ayaw nang makialam. Sana makita ko sa mga kabataan na mag-umpisa na ang pagbabago mula sa bawat indibidwal; mula sa puso ng bawat kabataang nakikinig at nakakasaksi sa atin ngayon. Sana makita ninyo sa ating mga puso na ito ay laban hindi lang namin kundi ninyo,” sabi ni Lozada.

Bago naman ang programa ay kabi-kabila ang mga usapan, mga umpukan, at mga fora sa UP College of Law na pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa ZTE-NBN deal issue.

Sa forum ng iba’t-ibang non-government organization sa College of Law, pinalabas ng direktor na si Carlitos Siguion Reyna ang excerpts ng isang dokumentrayong ginawa niya laban kay Pangulong Arroyo.

Ipinaalala ng docu ang korupsyon at pandaraya umano ni Pangulong Arroyo para manatili sa puwesto.

Minsan pa, ipinarinig sa publiko ang “Hello, Garci” recording. Ipinalabas din ang mga mini-documentary tungkol sa mga military killings na ang iba ay na-ban pa ng Movie and Television Review and Classification Board.

“It will sum up basically the pattern of cover-up, lying, cheating, stealing, and cover-ups, including kidnappings, of which the latest example is with Jun Lozada, is merely symptomatic,” pahayag ni Reyna.

Sa forum, iniladlad ang isang tarpaulin na may pamagat na – “The Mafia” – kumpleto ang casting sa NBN-ZTE deal scandal.

Ang mga tauhan pa rin ng administarasyong Arroyo ang bida sa isa namang forum ng mga kababaihan.

Ikinuwento ni dating Civil Service Commission chair Karina David kung paanong halos ipamigay daw ng pangulo ang mga puwesto sa gobyerno.

“Our problems are greater than just ZTE. It is the damage and the destruction that this administration has done to our very basic institutions. It is creating a limitless set of boundaries – all for power,” sabi ni David.

Hindi naman pahuhuli ang mga estudyante. Ikinahihiya daw nila ang mga nasa poder ni Pangulong Arroyo na mga graduate pa naman ng UP.

“At kung ito’y magiging ehemplo ng gobyerno o ng pamahalaan natin, ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga kabataan?” tanong ni Shan Abdulwahid, University Student Council chair.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s